Sharon Cuneta Billboard Controversy intensifies: No 'Sorry' from Hayden Kho, Sharon slams Hayden again

There has been no end on the Sharon Cuneta-Hayden Kho controversy. It even intensified as Sharon lambasted Hayden anew during a live interview on 'The Buzz', last Sunday.

Saan ba nag-umpisa ‘yan, Kuya Boy? Ako, may duda and I’ll tell you later. Siguro kaya nagkaroon ng maraming reaksyon, ‘yun na. It’s a big business. A beauty business, slimming business, hundreds of millions ang pinag-uusapan diyan. So let’s just say, puwedeng competitor. Puwedeng isang tao ring may ax to grind. Wala. Mahirap magsalita kasi parang…Ayokong pumatol sa hindi kapatul-patol!” starts the Megastar.

“What do you think? Napakalayo ba ng hitsura ko sa billboard? Ganito ‘yan. Ang lahat ng pictorials namin ng Marie France, lahat ng nakikita ninyo, ‘yung before and after na naka-blue ako at naka-gown na ‘Gift for my 45th’ at ‘yung lumalabas sa dyaryo pati ‘yung hindi lumalabas, isang pictorial lang po ‘yon. Siyempre, namimili kami dahil merong nakikita pa ‘yung kontil bilbil ko! Ha! Ha! Ha! Namimili kami ng magandang ipi-present pero walang dinaya ‘yon. Bakit? Kasi po, it’s a series of billboards na ilalabas over the coming several months ‘yung progress ng weight loss ko! Para makitang it’s working and it’s gradual. So hindi puwedeng agad-agad, sirain!", she added.

Ang feeling ko, was it my angle? My pose? Pero I can assure and as God is my witness those pictures were not altered to make me look thinner than I was at that time! Atin lang ito. Sentido komon. You come up with a billboard like that and you see this girl on Tv show, The Buzz, Star Power every week, tapos iba ang hitsura! Ang laki-laki ko sa Star Power tapos sa billboard, sobrang liit ko! Sino ba ang magmumukhang tanga roon? Di ba, ako at ang Marie France? Sa sobrang dami ng ginawa ko, medyo may arte na ko sa iindorsohin, di ba? I’ve always said that!

I’m in a position na puwedeng hindi ko patulan lahat ng offers ko! Ang pinapatulan ko, ‘yung hindi ako mapapahiya sa consumers, lalo sa fans ko at supporters ko. When I endorse a service or product, I have to believe in it. Ilanmpung milyon na ang na-turn down ko sa endorsements? Dahil kaya ko at ayokong mag-endorse ng produktong ayaw ko! Hindi ako nambobola! Very clear ‘yan! Ngayon, para gawin ito ng kumpanyang 25 years nang successful at walang bahid ang reputasyon gaya ng Marie France.

“Ang isang artistang starlet…Ha! Ha! Ha! Na more than 30 years nang nasa inyo, kaharap na ninyong lumaki! Mula 13 anyos pa ako, nag-e-endorse na ako ng produkto at serbisyo is parang iri-risk ba namin ang reputasyon at pangalan namin dahil sa isang commercial, kampanya, isang billboard? We’re not naman stupid, di ba?” explains Sharon.

When asked about her initial reaction on the tweet of Hayden Kho, Sharon detailed,

“I didn’t know there was a tweet until that reporter from E-Live interviewed me. It was question asked. I have no idea. Ang sinagot kong una, ‘yung isyu sa billboard. Kasi masakit sa akin, hindi lang hitsura ko ang kinukuwestyon na okey lang sa akin. ‘Yung credibility at integridad ko. Ang sakit nu’n!

“May lumalabas sa akin ngayon na ang sabi ng nag-tweet, ay si Joel Cruz yata ang pinatatamaan. Hindi ako. Pero meron din namang nakapagsabi sa akin, ‘yung billboard ni Joel Cruz na supposedly pinatatamaan niya ay lumabas ng July 2010 pa. Bakit pitong buwan kung totoong ‘yon ang pinapatamaan niya? Bakit pitong
buwan bago na nag-react? At nagpa-presscon si Joel Cruz sa sinabi niyang ‘yon? Bakit hindi siya nag-react then? So kataka-takang magtu-tweet ka pagkatapos ng news na supposedly, ‘yung billboard ko ay ibababa?” the Megastar shared.

“Nagulat ako! May I just say na nung lumalabas ang kontrobersiya sa kanya, ahh, talagang ang feeling ko, wala akong kilalang lalaking gagawin ‘yon. Okey. Na tatratuhin ng ganoon ang mga babae. I’m sorry, opinyon ko lang ito. Tapos, lalong sumama ang loob ko at siyempre, medyo nagalit ako dahil pati pangalan ng anak ko (KC) ay nadadawit! If you remember sa isyu na ‘yon, Kuya Boy, di ba? ‘yung videos-videos!

“Once lang nakita ni KC ever ang taong ‘yan, dito pa sa The Buzz, remember? Once lang ‘yan. So, ang sinasabi yata ng tweets niya, he respects me so much so it’s so ironic…I don’t understand that. What’s ironic? Ironic because he respects me and I had to treat him like this? I’m not want to treat people in bad way unless you know…I know how to protect myself.

“There are times kasi na tahimik ka lang. There are times you had to fight and stand up for yourself! Kasi nobody will do it for you or at least, not as well as you! Parang nagsawa na ako ng 30 years na laging no comment! Ha! Ha! Ha!

“Going back to KC, if he respects me so much bakit nadamay ang pangalan ng anak ko doon? I think at that time, lagi niyang tini-text ang anak ko! I don’t’ want to re-hass this anymore. I never said anything kasi alam ko namang totoo. Although nakakainis ma-associate sa ganoong isyu ang isang batang alam mong pinalaki mo ng disente. Hindi basta-basta kung saang galing ang anak ko! I was quiet. Peaceful.

“So nang lumabas ‘yung ganito and everybody knows he’s associated with Dr. Vicki Belo. Successful ang clinic and competitor. So ang nangyayari, sinisiraan ninyo kami dahil may kumpanya rin kayo? Meron pa siyang guess? Kung si Joel ‘yon, bakit hindi niya sinabi from the beginning eh July pa ‘yon? So sino ang pinalalabas mo na nadi-deceive? Kami? Never kong naisip na maa-associate ako even with his name? In an issue like this? If you look at the time line na hindi ko naman hiningi, sinabi lang sa akin, nakakaisip ka din ng ganoon na mukhang ako nga ‘yon.

“Basta ako, dahil sa inyo, napag-usapan nang bonggang-bongga ang billboard ko ng Marie France! Ha! Ha! Ha! Palagay ko, wala namang pinupukol na puno na hindi nagbubunga! Feeling ko, natiganting, nagitla? Tama ba? Basta pagkita ng billboard ko, parang nagkagulo kayo! Ha! Ha! Ha! Maraming salamat dahil effective na effective ang endorsement! Nataranta kayong lahat! Ang ganda! Ha! Ha! Ha!

“Basta nasabi ko na piece ko, tapos na ‘yon. I’m sorry if they feel thjat way. Naglabas lang ako ng…Palaisip ako. Tao lang ako. When I get hurt, kailangan kong lumaban! Hindi ako papayag na isang tao, kahit sino ‘yan, kahit hari pa yan, na sirain ang pangalan ko ng ganoon lang!” Sharon said lengthily.

Hayden previously denied that he was referring to Sharon's Marie France billboard ad with his January 28 post on Twitter and reportedly said that he does not owe an apology to the Megastar.

Read on first updates on the Sharon Billboard Ad controversy HERE.